Inayos ng City Engineer's Office ang shipping container vans para maging isolation facility.

Ayon kay Acting City Engineer Emerald P. Signar, nasa apat (4) na container vans na ang kanilang ginawang isolation facilities na nakalagay sa harapan ng ating laboratory. Ang dalawang container vans ay gagawing nurse stations na maaaring mapagpahingahan ng ating mga nars na nag-aasikaso ng mga COVID-19 patients at ang dalawa naman ay para sa City Health Office (CHO) na siyang nagdadala at kumukuha ng mga pasyenteng posibleng tinamaan ng virus.
Aniya, magdadagdag pa ng anim (6) na container vans ang CHO para gawing isolation facility.(CPIO/RR/RSC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *